Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa mga piling tula nina Marcelo H. Del Pilar at Amado V. Hernandez upang makabuo ng gabay sa pagtuturo na gagamitin ng mananaliksik sa kaniyang pagtuturo sa kolehiyo. Gumamit ng Pamaraang Palarawan (Descriptive Analysis) at Pangnilalaman na Pagsusuri (Content Analysis) sa pagtukoy ng uri, anyo, istilo at tema. Ginamit sa pagsusuri ang mga teoryang pampanitikan na Sosyolohikal, Humanismo, Realismo at Rebolusyunaryo. Tinalakay rin ang nangibabaw na halagang pangkatauhan na nakapaloob sa tula, ang pagkakatulad at pagkakaiba sa tula nina Del Pilar at Hernandez ayon sa uri, anyo, istilo at tema at tinukoy ang implikasyon ng bawat tula batay sa kultura, sosyal, moral at pulitikal. Tiglilimang tula nina Del Pilar at Hernandez ay sinuri, ito ay ang mga sumusunod: “Isang Tula sa Bayan”, “Dalit”, “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, “Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas”, “Dupluhan”, “Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan”,” Isang Dipang Langit”, “Tinapay”, “Panday” at “Bayani”. Nangibabaw ang tulang liriko at tulang pandulaan sa mga tula nina Marcelo H. del Pilar at Amado V. Hernandez, karaniwang may sukat at tugmang di-ganap, ang mga ito ay mayaman sa tayutay bilang talinghaga. Ang mga tema ay tungkol sa masidhing damadamin gaya ng dakila o wagas na pag-ibig sa bayan, ang mga pagsubok sa buhay, at ang kahalagahan ng mga manggagawa na itinuturing na bayani at sandigan ng kaunlaran. Ipinahihiwatig sa tula na ang mga Pilipino ay mayaman pa rin sa likas na kultura, ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, pagmamahal sa bayan at ang paggalang sa mga karaniwang manggagawa; ang pangingibabaw ng paggawa ng kabutihan at ang hindi paglabag sa batas at pagbibigay ng patas na karapatan sa karaniwang manggagawa. Sa aspetong Sosyal sa pagsusuri ng mga tula ay ipinahihiwatig na mahalaga sa mga Pilipino ang pagkakaisa, pagtutulungan sa bayan, sa pamilya at higit sa lahat ang paggalang sa mga karaniwang manggagawa.Sa katagiang Moral pinapahiwatig na lubhang kailangan ng taong maging mabuti, iwasang gumawa ng masama o labag sa batas, huwag paaalipin sa mga materyal na bagay, walang maibibigay na kabutihan ang pang-aalipin at paghamak sa kapwa. Sa katangiang Pulitika binibigyang diin na nakasalalay ang pag-unlad ng isang bayan sa magandang ugnayan at pagtutulungan ng mga namumuno at nasasakupan.Sa kabilang dako ipinahihiwatig din na mahalagang mabigyan ng patas na karapatan ang karaniwang mamamayan. Ang mga tula nina Marcelo H. del Pilar at Amado V. Hernandez na sinuri ay kapwa may sukat; may tugma; karamihan ay tulang liriko; mayaman sa talinghaga; at may mga temangg pagkamakabayan, pagpapahalaga sa dangal bilang Pilipino at pagsusulong ng karapatan ng uring manggagawa. Mula sa mga natuklasan at konklusyon sa ginawang pag-aaral, narito ang mungkahi ng pag-aaral na ito: Ipagamit ang mga mungkahing modyul na awtput sa pag-aaral na ito, Pag-ibayuhin ang paggamit ng mga tula sa pagtuturo lalo na sa antas tersyarya upang lalong mapahalagahan ang angking kariktan, kasiningan at kakaibang katangian nito na wala sa ibang akdang pampanitikan, Pasulatin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang uri ng tula upang lalo pang mahasa ang kanilang kakayahan at talento, Magbasa ng ibang ibang uri ng tula at ipasuri ang mga tayutay na ginamit upang lalo malinang ang kritikal na pag-iisip at mapalawak ang kanilang kaalaman at bokabularyo sa pag-unawa, Bumuo pa ng mga mungkahing modyul batay naman sa mga makabayang tula upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga aralin sa Filipino.
Pahambing na pagsusuri, tula
International Journal of Trend in Scientific Research and Development - IJTSRD having
online ISSN 2456-6470. IJTSRD is a leading Open Access, Peer-Reviewed International
Journal which provides rapid publication of your research articles and aims to promote
the theory and practice along with knowledge sharing between researchers, developers,
engineers, students, and practitioners working in and around the world in many areas
like Sciences, Technology, Innovation, Engineering, Agriculture, Management and
many more and it is recommended by all Universities, review articles and short communications
in all subjects. IJTSRD running an International Journal who are proving quality
publication of peer reviewed and refereed international journals from diverse fields
that emphasizes new research, development and their applications. IJTSRD provides
an online access to exchange your research work, technical notes & surveying results
among professionals throughout the world in e-journals. IJTSRD is a fastest growing
and dynamic professional organization. The aim of this organization is to provide
access not only to world class research resources, but through its professionals
aim to bring in a significant transformation in the real of open access journals
and online publishing.